Noong 1940s

*This poem is dedicated to all comfort women. I could only imagine what you have been through.

Ako po si Hilda.

Labing anim na taong gulang ako

noong nawala ako

habang binabaktas ang daan

pauwi sa aming tahanan sa may palayan.

Hindi na po ako nakapagluto ng pananghalian.

Nawala po ako at

nakita ko nalang ang aking sariling

nasa loob ng isang trak at

nasa loob ng isang kubo at

nasa harap ko’y may mga Hapon at

nasa paligid ko’y may mga katulad kong dalaga.

At nabigla po ako sa kanilang mga ginawa.

Nawala po ako

nang binugbog nila ako,

nang kinulong nila ako,

nang pilit nilang pinasok ang katawan ko

nang paulit-ulit; gabi-gabi, araw-araw, marahas at paulit-ulit.

Hindi na po ako nanlaban, hindi na po ako umimik.

Nawala po ako sa loob ng isang taon.

Hindi ko po makita ang daan

maliwanag man sa labas

habang kami’y nagbibilad

ng mga unipormeng aming nilabhan.

At kahit anong kusot namin ay bakat pa rin

ang dumi

sa kaibuturan ng mga dayuhang

nagsusuot

ng aming mga nilabhan.

Hindi ko po noon maramdaman

kung buhay pa ba ako,

kung makakauwi pa ba ako,

kung maituturing ko pa bang tao ang sarili ko

dahil sa mga kahayupang ginawa nila sa akin.

Nawala po ako.

Gusto kong kumawala

Mula sa buong araw na pagtingala sa kawalan, at sa pagkakahiga

Sa isang kamang kanilang pinupuntahan

Para sagutin ang tawag ng laman,

Habang ang hatid nito sa akin

Ay pighati at pandidiri

Pandidiri sa aking nararanasan;

Pandidiri sa sarili kong katawan.

Ako’y kanilang nilapastangan!

Nawala po ako

at nang pinatakas kami ng aming bantay;

nang mahanap ko ang daan pauwi sa aming bahay;

nang gulat akong binati ng aking mga kamag-anak at sila’y nagtanong

kung saan ba ako napadpad at anong nangyari sa akin doon…

Nawala po ako.

Nawala lang po ako.

Sino Ang Tanga

Minsan naitatanong ko

Ang sarili ko “Tanga ba ‘ko?”

Kinaklaro ko,

Mataas ang pinag-aralan ko

Pero may mga panahon, sitwasyon

At taong nasa posisyon

Na dahilan ng aking pagtatanong.

 

Si mama,

Na lagi nalang akong binabara.

Si Ma’am,

Na pupunahin na naman

Ang hindi ko pagpasa ng lesson plan

Si Sir,

Dahil may mali na naman

Sa ginawa ko,

Sa nasabi ko,

Sa mukha ko.

Yung mga kaibigan ko

Na nagsasabing

Oo, tanga nga ako,

 

Tanga,

Dahil naglakas-loob akong

Magmahal mula sa malayo.

Hawak-hawak ang cellphone,

Mayabang,

Dahil suot ko ang ngiting binigay mo.

Patunay na masaya tayo.

Tanga,

Dahil kinaya kong maghintay

Ng tawag, text

at atensyon na kaya mong ibigay.

Tanga,

Dahil pinili kong magpatawad.

At iyon pa rin ang pipiliin ko.

Tanga,

Dahil pinalaya kita

At hinayaang magpakasaya.

Tanga,

Dahil sinabi kong kapag

Dumating ang oras, araw, panahon

Na handa ka na

Ay may babalikan ka.

 

Ano sa tingin mo?

 

 Pero, ito lang ang masasabi ko:

Sa mga panahong wala ka,

Malaya at masaya,

Kasama ang kung ano at sino man

Na pinili mong mas mahalaga,

Ay magtatanda ako

At itong puso ko.

Pag-aaralan ko ang istorya

Ng mga luhang iniyak ko,

Ng mga tulang naisulat ko

Para sa isang lalaki

Na masyadong kampante

Na makukuha niya ang babae

Na mahina at kailangan lagi ng katabi;

 

Sa paglipas ng panahon,

Ay matututo ako.

Tutubo ang aking isip,

Mamumulaklak ang aking puso,

Magniningning ang aking mga mata

Na hinugasan ng mga luha.

 

Oo,

Naging tanga ako

Pero hindi na,

hindi na,

hindi na.

Sana…

Rant #1

How can I say “no”, when my job expects me to be selfless and giving? It’s very ironic and gut wrenching that I can say no to my own daughter but can’t to other people. I mean, isn’t there a law against overworking? Do I really have to show a single-parent ID so they can understand how hard it is to work both for the company and at home? And why do they have to shower me with this work load right at my PMS week? GHAAAAAD.

Amnesia

Sa mga oras na ito

ay nais kong punitin

ang mga pahina ng aking talaarawan,

kung saan naisulat ko

ang iyong pangalan.

Nais kong burahin

ang bawat linya

ng aking pagkuwento

kung gaano katagal

at gaano katindi

binalak kitang mahalin.

Gusto kong malimot,

kahit sandali,

hindi ang sakit, kundi

ang hinatid mong saya,

nang sa gayon

ay tumigil ang pagdaloy

ng mga luha

at pagsigaw ng puso kong

naniniwalang maisusulat pa kita

sa mga susunod na pahina

ng aking talaarawan.

Batang Huwaran

Ako ay batang paslit

Mabait, masunurin, minsan ay makulit.

Maiksi man ang kamay at mga daliri,

Marunong akong magligpit

Ng aking sariling gamit.

 

Pagkatapos kong ubusin

Ang masarap kong pagkain,

Plato, kutsara’t tinidor ay liligpitin.

Ang supot ng biskwit at inumin,

Sa bahay ko na lamang dadalhin

 

Ako ay batang paslit.

Mga gawain ko man ay simple at madali,

Nakakatulong ito sa kalinisan ng paligid.

Kaya kayong mga Ate at Kuyang malalaki

Gayahin niyo ako: maging cute at responsable.

Kalsada

Ang Pilipinas ay parang isang kalsada,

Maayos at maganda

Sa tuwing bago at pagkatapos

Ng halalan.

Nagpapasikat ang lahat,

Paramihan ng nakumpuni’t nagawa.

Ngunit sa paglipas ng panahon

Nagiging butas-butas at nababaon

Dahil dinadaanan

Ng mga bigating sasakyan

Na paroo’t parito

Kahit wala namang punto.

At tuwing papalapit ang Mayo,

Aayusin at pagagandahin muli ito

Ng mga taong lulan

Ng mga bigating sasakyan

Na paroo’t parito

Kahit wala namang punto.

Ham-an baea ay?

Ham-an baea it masilak do adlaw?

Ham-an dekolor do baeangaw?

Ham-an it asul do dagat?

Ag ham-an anang tubi hay maaeat?

Ham-an it bilog do buean?

Ag kung amat hai bukon man?

Ham-an makaraya? Ham-an makaruyon?

Ham-an owa it snow iya katon?

 

Ham-an do mga unga, hay abo gid it pangutana?

Owa gid gakaubos do pagkangawa?

Kung ro mga magueang, hay nagaoy magsinabat,

Owa gid it pagkasayod kaming mga inunga.

Mayad eang may mga maestra nga mahaba do pasensya

Ngani pasaeamat gid kita it abo kanda!

 

*If you would like to use this poem for recital, please leave a comment.

Kahilwayan

Kahilwayan.

Kanami sa pamatin-an di baea, kapin gid siguro sa pamatyagan.

Mauno baea?

Matuod-tuod nga kahilwayan;

Raya baea ro pamatyag nga uwa ka sa mainit nga akae-akae it kabuhi?

Nga may katawhay ro imong mga inadlaw?

Uwa it kahadlok sa kung alin man du nagapanago

Sa kadueom?

Uwa ro bangungot it kabudlay

Sa pagka-imoe?

Uwa eon it pagkahimayang, pagpalitik

Kung alin ro saea, kung alin ro uwa,

kung alin ro kueang, kung alin ro posible nga matabo

hinduna, hinaga, sa masunod

nga basi uwa eon ro imong ginapang-hugtan

nga manggad, kaaeam, kagwapa,

mga pinalangga, kapamilya, kabuhi, kahilwayan?

O basi, ro kahilwayan hai aton eang gid nga maabot sa pihak nga kinabuhi.

Nga imaw ra hai imposible iya sa ibaabaw it eugta.

Imposible?

May hasayran ako nga sabat karon: pagsalig.

Pagsalig. Mabahoe nga pagsalig

Sa atong Ginoo, nga imaw, eabi sa tanan, ro atong manogtatap.

Nga imaw, magatao it atong mga kinahangean,

May pagkabaeaka para sa atong kamaeayran,

Magapili it husto nga mga manogdumaea it atong pinalangga nga banwa.

Pagsalig. Simple nga pagsalig

Sa atong sarili, sa atong mga kasimanwa, sa kung sino man ro nagapungko sa bangko

nga kabay imaw magatao katon it mas mahayag nga hin-aga;

Nga imaw hay may integridad, responsibilidad, kamayad ag disiplina sa pag-obra.

Banwa,

Sa kapilang henerasyon eon nga nag-agi sa nakataliwan,

Sa kaabo it mga bangungot nga aton eong haagyan,

Sa mga pilang mga kabuhi nga naduea ag ginsakripisyo

Sa ngaean it demokrasya ag kahilwayan,

Makaron eon ro ti-on it atong pagbana-bana – pagdesisyon.

Para sa mga nagsakripisyo tumaliwan,

para sa mga padayon nga ginapigos ag nagakalisod, para sa atong mga inunga.

Paalin? Siin? Kanyo magahalin ro atong ginahandom nga kahilwayan?

Kana, kimo, katon, sa Ginoo.

Kabay pa.