Aksidente, Tattoo at Iba pa

 

Maraming klase ng sakit ang mararamdaman ng isang tao.

May biglaan, dahan-dahan, sobrang sakit at ‘yong wala lang.

Katulad ng mga ito:

 

Masakit tumilapon mula sa sinasakyan mong motor.

‘Yung nagtext ka lang tapos biglang tumigil ang oras

At nakita mo na lang ang sarili mong nasa kabilang kalsada,

Malayo sa motor at gasgas ang mukha.

Dahan-dahan mong mararamdaman

Ang sakit sa iyong katawan

Dahan-dahan, at masakit.

 

Masakit madulas o madapa

At bumagsak sa may bandang tiyan.

Hindi ka makahinga, hindi ka makapagsalita,

Masakit.

At tahimik mong iindahin ang sakit

Hanggang sa kaya mo nang huminga at bumangon ulit.

 

Masakit at nakakairita kapag meron kang tinga

At wala kang toothpick kaya hindi mo makuha.

Gusto mong tanggalin pero malalim ang pagkakabaon

Parang mga ala-ala:

Makulit, masakit.

 

Masakit magpa-tattoo sa totoo lang

Lalo na kapag ‘yong karayom ay dumadaan na sa buto mo.

Masakit. Pero sa huli,hahanap-hanapin mo.

 

Masakit alalahanin ang araw na sinabi niyang

Kailangan niya ng space at oras para mag-isip.

Pagkatapos ng tatlong taong pagsasama,

Space at oras para mag-isip daw ang kailangan niya.

Masakit.

Sobrang sakit.

Pero hindi mo mailabas

Dahil pinapaniwala mo and sarili mo na kaya mo,

Na wala lang ‘to. Na hindi ka talo.

Sobrang sakit na parang lahat ng binanggit ko kanina

Ay sabay-sabay mong mararamdaman nang paulit-ulit

Dito.

Paulit-ulit, kaya sobrang sakit.

Pero kagaya ng pagpapa-tattoo

‘Yung sakit na galing sa kanya, na dulot niya

Hahanap-hanapin mo.

Masakit. Sobra.

Pero kakayanin mo

Dahil siya lang,

Siya lang

Ang sakit na gusto mong madama.

Advertisements

Rant #1

How can I say “no”, when my job expects me to be selfless and giving? It’s very ironic and gut wrenching that I can say no to my own daughter but can’t to other people. I mean, isn’t there a law against overworking? Do I really have to show a single-parent ID so they can understand how hard it is to work both for the company and at home? And why do they have to shower me with this work load right at my PMS week? GHAAAAAD.